sadyang may mga taong makitid ang pang-unawa
puno ng pagdududa ang isip at kaluluwa
hindi nya alam ang magmahal sa kapwa
kaya minamasama ang nagagawa ng iba
hindi mo mawari kung anung pakikisama
ginawan mo na ng mabuti, masama pa rin ang akala…
sa paghatol mo sa kapwa, ikaw ang magdadala
kung puro pait at puna ang iyong nakikita
magdudulot ito sa iyo ng ibayong dusa
ikaw ay tatanda at lalong magiging kawawa
wala na sa iyong makikisama at makapagtyatyaga
dahil sa puso mo’y hinayaang mamahay ang masama…
kung may nakita kang mali o kaya ay hindi tama
na ginagawa sa iyo ng iyong kapwa
bakit di ka magtapat at sa kanya ay maipa-unawa
na ikaw ang tama at siya ang may maling sala…
kung di mo ito kaya, lalu mo lang pinalalala
ang iyong galit na sa puso ay nadarama…
matuwa ka sa mabuting gawa ng iyong kapwa
wag kang mag-isip ng mali at ng ikaw ay gumanda
bagkus pawiin mo ang laging pag dududa
ang mabuti ay tularan ang masama ay iwasan
kung di mo ito kaya ni hindi kayang tularan
mabuti pa siguro tumahimik ka na lang..
